Suspected drug user/pusher Nanlaban patay!
May drug raid operation sa lugar nyo, nakatambay ka sa kanto nyo at kamalas malas mo, dahil tumakbo ka binaril ka dahil baka makatakas ka. Ayun, namatay ka. At para walang pananagutan ang kapulisan, lalagyan ka ng baril at sachet ng shabu at sasabihing nanlaban. Aba's kamalas mo nga talaga.
Di naman po sa di kami sang-ayon sa War on Drugs in PDuts bagkos gustong gusto namin eto ng matapos na etong salot na droga. Kaso welcome to the dark side of War on Drugs of Duterte dahil ground level operation, di natin alam kung ano talaga nangyayari.
Isa sa pwedeng mangyari sa panahon ngayon, may nakaalitan kang pulis. Anong pwedeng gawin nya? Pwede ka nyang akusang drug pusher patayin at syempre lalagyan ng shabu at baril sa bangkay mo? Nakakatakot ba?
Isa pang istorya dito sa amin sa Cotabato City, hay naku talagang nakakatakot. Pangalanan nating si Lebron. Si Lebron ay isang kawani ng gobyerno, tahimik at walang kaaway dahil kusa syang umiiwas sa nanghahamon ng away sa kanya. Malamang dahil sa kaduwagan nya, para sa kanya di baleng duwag kesa may kaaway. Isa sa ispekulasyon ay napagkamalan sya nung mapatay sya.
Dahil matatakutin si Lebron at may trauma sa pambubugbog agad itong tumatakbo. Maraming araw nya ng napapansin na may parang sumusubaybay sa kanya sa kanilang kanto. Laging andun yung taong yun. Isang araw, nagkasalubong si Lebron sakay sa kanyang kotse at ang kanyang hinihinalang "intel" o holdaper sa motor. Nagkatitigan sila at sa takot ni Lebron, kumaripas sya sa takbo at si Intel, walang awang pinagbabaril si Lebron habang eto ay tumakbo pauwi ng bahay at sinisigaw "wag kuya".
Sa ngayon, eto lang muna ang masha-share ko sa inyo dahil kayo mismo marami kayong pwedeng ikwento. Isa sa Mga Tanong Namin, kelan maayos o magiging legitimate ang mga drug raid operations?

![]() |
| SHOOTOUT (INQUIRER FILE PHOTO/ ARNOLD ALMACEN) |

No comments:
Post a Comment